United States or Guam ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya sasangrahan ang maysaquit pagcaraca; at cun hindi siya gungmagaling, ó gumaling ma,i, ungmooli rin ang saquit na malaqui, sasangrahan pa mandin; datapoua cun hindi malubha ang tauo, ó cun hindi totoong lacas ang pagsintac, at ang maysaquit nacacalura, ay hindi cailan~gan sangrahang uli, cundi parapitan lamang sa man~ga binti ó doon sa lugar na masaquit.
Cun ang lagay nang maysaquit ay para nang sinabi co sa párrafo 25, yaong pagsasangrang yaon ay macacaguinhauang madali sa caniya; datapoua cun sa loob nang ilang oras ungmooli ang saquit, ay sasangrahang uli ang maysaquit, at cucunan nang timbang labing dalaua ring pisong dugo; ito,i, sucat na caalam-alam; datapoua cun baga sa loob nang sampuong oras ó calahating arao lungmulubha ay cunan pa mandin nang dugo.
Salita Ng Araw