Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Hulyo 20, 2026
Ang katad ay mahal, ang barini ay magagalitin; huwag lamang tayong magkamali ay ... Ang iyong mata ay malinaw kaysa akin; ang iyong kamay ay lalong tumpak; naito ang sukat, tabasin mo ang katad at samantala ay gagawing ko ang iyong ginagawa. Sumunod si Mikhail, tinagnan ang katad, iniladlad at pinasimulang tinabas.
Tinitignan ni Matrena, na hirati sa gayong gawain, at ikinamangha na tinabas ni Mikhail ang katad sa isang anyo na hindi magagamit na pambota. Ibig niyang magsalita, nguni't kanyang naisip: Marahil ay hindi ko naulinigan kung anong anyo ng bota ang kailangan ng barini ; nalalaman ni Mikhail ang ginagawa, at hindi ko siya pakikialaman.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap