United States or Liechtenstein ? Vote for the TOP Country of the Week !


Na sinagaua nang man~ga penitencia nang pula,t, paglait dusta at pagmura, cusang sinagasa,t, di inalintana ang lahat na yao,t, niualang halaga. Bahagya na lamang pumasoc sa Ciudad ang balita niyong camatayang uagas, n~g malualhati na Santang mapalad gayong di mabilang ang nan~gacamalas.

At ito n~gang lubhang marikit na lambat na siyang sa atin ay humuling cagyat, sa dalampasiga,i, hangang sa masadsad nang isang magandang pag-sisising uagas. Sa dakilang pag-babalic loob natin nang tayo,i, caniyang papaguing dapatin, magtamong graciang ualang pagmamaliw gaya nang caloob sa Santang butihin.

Ang coronang tan~ging ualang pagcalanta na gaua n~g aba na si Margarita, Santang manahani na itinatalaga sa sarili, yaong cagalin~gan niya. Inupatan na n~ga n~g lilong caáuay niyong catha-catha na cabulaanan, Margarita, anya ay iyong tigilan iyang malabis mong m~ga cabanalan.

Ang sa Santang nasang manin~gas na loob na mag-bigay aliw sa Poong cay Jesús, ay siyang pagcaing ikinabubusog na sa araw araw ay macamtang lubos. Saca noon namang maunaua niya na sa paglilingcod sa man~ga Señora, sa bahay na yaon ay di makikita ang catahimican nais na talaga.

Caylanma,i, sadyang loob na maganda,t, nagbibigay nang biyayang mahalaga, nakikipanayam sa cay Margarita sa pananalan~gin niya sa tui na. Santang mananahing ito ay cung minsan nag-hihinanakit niyong catamlayan, nang loob, sa gauang capalamaraha,t, masamang pag-ganti n~g macasalanan.

Na catunayan n~gang na sa casulatan sa man~ga beato,i, ipinakibilang, saca sa man~ga malualhating banal itong mananahi na Santang maran~gal. Ang Santo Papa Benidicto Tercero ipinag-utos na ipagdiuang dito, n~g Santa Iglesia nitong boong Mundo sa kinabucasan nang pagpanaw nito.

Niyong Santo Papang si León Décimo ang man~ga himalang dakilang totoo, na pamamag-itan sa maraming tauo sa Dios, nang Santang lubhang masaclolo. Lalo pa n~ga niyong caniyang mamasdan na di nabubuloc ang mahal na bangcay magpahanga n~gayon cahit nacaraan ang bilang nang taóng higuit pitong daan.

Tinangap na hindi sucat na masayod nang cataimtiman sa caniyang loob, ang biático n~gang casantusang lubos nitong bunying Santang catoto n~g Dios. At sa loob niyong labing-pitong araw ay ualang kinain na cahit anoman, at ang ikinabubusog niya lamang ay ang sa Lan~git na man~ga caaliuan.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap