United States or Sri Lanka ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa bagay na ito,i, ¿ano caya ang isasaloob nang isang naghihirap cun naiinis sa tauo,t, naca ririnig nang tauanan? Hindi malayong mapoot sa dami nang tauo, at mag hinala na siya,i, pinag tatauanán. At ang casasapitan ay ang na dalao sa may saquít ay siya ring nag papasaquít. At cun magca bihira,i, siya pang naca tutucsó.
Cun malapit nang matapos ang caniyang pan~gin~gibang bayan, mahahan~go na sa hirap, maliligtas sa pan~ganib at macapapanood sa Dios, ay di dapat mahapis cun di matoua. Ang caloloua co,i, malapit nang maalis sa catauan cong masiquip na bilangoan, ay nagcacamit nang toua at naca ririnig nang magandang balita na pa sa sa bahay na nang Dios.
Capootan ang pag bibiroan, at nang di uicaing ualang pinag aralang mahal na asal. May maquiquita ca namang bahay nang namatayán, na diyan ca maca ririnig nang pag bibiroan nang babaye,t, lalaqui; diyan mo maririnig ang pag sasalita nang catatauanan na sinasabayán nang halac hacan. ¿Ano ang gagauin mo sa man~ga tauong ganito ang asal?
Salita Ng Araw