Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 23, 2025
Subali,t, hindi na pinañgatauoanan niya ang pag-aaral, cundi ang pagligao lamang, ang pagsusoot nang maririquit, at ang paglayao niya sa mañga catouaan dito sa mundo. Dahilan dito sa mañga inougali ni Próspero doon sa Maynila, ay nagcautang siya nang marami, at nang dumating ang arao nang pag-eeksamen , ay nagkaroon siya nang nota nang reprobado .
Hindi co iisaisahing salitain ang lahat nang cabañgauang guinaua ni Próspero doon sa Maynila, at mapapacahabang totoo itong aquing casulatan, caya lalactauan co ang marami, at sasabihin co lamang na si Próspero,i, nagtumira nang apat na taon sa Maynila, at liban sa naunang taon, ay uala na sa caniyang loob ang pag-aaral, cundi ang pagmamalibog: na hindi man pinaquiquingan niya ang pañgañgaral at pagbabala sa caniya nang caniyang catedrático , at cung caya nagcaroon siya nang nota nang reprobado na tatlong taong sunod-sunod.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap