Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 12, 2025
Kung ang nagkausaping nahatulang magbayad ay walang ibayad at ipagbayad n~g isang kaibigan ay sa kaibigan nagbayad maglilingkod, datapua't hindi parang aliping sagigilir, kungdi parang aliping namamahay. N~guni't kung hindi maglingkod n~g ganito ay ipalalagay sa kanyang patubuan. =Pagcaalipin.= Ang sino mang mabihag sa balan~gay na kaalit ay inaalipin.
Ang m~ga masalapi ay nagsisipagpagawa sa kanikanilang mananahi n~g m~ga kasuutang ikatatampok nila't ikauun~gos sa gayak n~g iba: m~ga sutlang kayong pulangpula na animo'y dugo, mayroon namang dilaw na nakikipan~gagaw sa kulay n~g apoy, at may lungtian pang nagbabalita wari n~g pananagana sa lahat n~g bagay n~g taong sa kanya'y nagpapakahibang ... Ang m~ga maralita naman, sa kabilang dako, ay nagtatamad sa paggawa, ilang araw na di sisipot sa pinapasukan, nagsasangla n~g isang tumbagang singsing o n~g isang hilakong hikaw, na tan~ging hiyas n~g kanilang karukhaan, nan~gun~gutang n~g salaping patubuan at ... bumibili n~g isang murang balatkayo, isang nakan~gising maskara, upang sa likod n~g m~ga ito'y sandaling limutin ang kanilang kahinubong pagkasahol sa buhay, at sandali ring makilahok sa m~ga halakhaka't panunukso sa kakilala't hindi man.
Ang karaniwang palakad sa pag-uutan~gan ay patubuan, kung ang may utang ay may tinatankilik na sasanlain ay inilalagak na sanla sa pinagkakautan~gan ang kaláhati sampu n~g pakinabang noon hangang hindi nakababayad n~g utang. Kung walang ano mang tinatangkilik at sa katampatang panahon ay di makabayad ay nagiging alipin, at karaniwa'y sa tanang buhay dahil sa lakad n~g tubo.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap