United States or Sierra Leone ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang aliping sagigilir ó n~galon ay siyang tunay na alipin na ang iba'y sa tanang búhay at sa akala ko'y tinatawag na sagigilir , dahil sa di nakalálayo sa gilid ó paligid n~g pan~ginoon. Ang pagkakapagíng alipin n~g m~ga ito ay dahil sa pagkukulang sa Dato ó pang-ulo, dahil sa pagdidigmaan, pakikipag-usapín at gayon din sa pag-uutan~gan at ibp.
Ang karaniwang palakad sa pag-uutan~gan ay patubuan, kung ang may utang ay may tinatankilik na sasanlain ay inilalagak na sanla sa pinagkakautan~gan ang kaláhati sampu n~g pakinabang noon hangang hindi nakababayad n~g utang. Kung walang ano mang tinatangkilik at sa katampatang panahon ay di makabayad ay nagiging alipin, at karaniwa'y sa tanang buhay dahil sa lakad n~g tubo.
Ang di lubhang malaking pagkakaalitan ó pagmumungkahian sa isang nayon ay matatanda na lamang ang pinagsasakdalan n~g nagkaalit at siyang humahatol ayon sa patotoo n~g m~ga saksi at alinsunod sa minanang kaugalian sa kanilang m~ga kanunuan , ang hatol naman n~g matatandang ito ay lubhang pinakagagalang at ginaganap nila. =Pag-uutan~gan.=
Salita Ng Araw