United States or Ecuador ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya, , ipinamamanhic co sa inyo, na, cung baga,i, mangyayari sa inyo póng loob, ay pañgaralan, ninyo ang tatay at ang nanay co, at sabihin, , ninyo sa canila, paouiin na nila dito si Próspero.

Itong balitang ito,i, hayag na hayag, at calat na calat dito sa boong bayan, caya si Felicitas, dala nang malaquing capighatian nang caniyang dibdib, ay isinumbong niya itong lahat na manga bagay na ito sa caniyang magulang, at nag-uica uli sa canila, nang mangyari ay paouiin na nila si Próspero dito sa bayan, nang maputol at matapos ang ganoong mañga carumal-dumal na pagbabali-balita nang tauo.

Na si Potamiana ay huag aanhin cun hindi madali lamang paouiin, sa caniyang bahay at papan~gacuin na ang calooban niya,i, siyang sundin. Sa Gobernador n~gang pinan~gatauanan ang pagsunod sa caniyang caibigan, at si Potamiana ay pinagbaualan na tunay na siya ay pasusungaban.

At nang sabihin co sa inyo ang totoo, ay pacatantoin ninyo, na masamang-masama ang tayo ni Próspero. Narahio siya capagdaca sa mañga hibo nang mundo at nang Demonio, at cundi ninyo paalisin, pacatalastasin ninyong maigui, cundi ninyo paalisin agad-agad siya sa Maynila, at paouiin dito, ay masama ang casasapitan niya, at masama naman ang casasapitan ninyo.

Caya, cayo nang bahalang sumunod ó sumuay sa hatol co sa inyo, na paouiin ninyo baga, at patirahin dito sa bayan ang inyong anac. Baquit, , hindi, ang sagot ni cabezang Andrés, baquit, , hindi namin susundin ang inyong hatol? Asahan, , ninyo, na cung totoo ang ipinamalita, , ninyo sa amin, ay agad-agad cucunin co si Próspero sa Maynila, at ipagsasama co, , rito.