United States or Mauritania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung wala rin lamang kahihinatnan, eh bakit mo pa iin~gatin~gatan.... ¿Walang kahihinatnang paano? ¿At, mayroon ba? ¡Elsa, parang ikaw pa pala ang may hinanakit sa akin, gayong kay daming araw na ipinamahay ko sa malaking pananabik sa ikapagkakaroon natin n~g panahon sa paguusap n~g niig na paris nito!... ¿N~guni't n~gayon ay ano ang iyong sasabihin?
Sabihin mo na n~ga, Elsa. Mabuti'y panggagaling na natin sa Pandakan. ¡Ayoko! ¡Anhin ko kung ayaw ka! ¡Di mo matatamo ang mahalagang balitang may kinaalaman sa babaeng kinauululan mo! At dagling nakaramdam si Tirso n~g malaking pananabik. ¿May kinaalaman kay Teang? itinanong na agaran. Hindi ako nagbibiro, ang matatag na sambot n~g mestisa. ¿Ay bakit ayaw mo pang sabihin n~gayon?