United States or United States Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Waring sa mga bisig ni Eduardo ay naghehele sa katamisan ng pagindak si Fely, datapwa't gaano nga naman sanang lugod kung ang makakasayaw ni Eduardo ay ang dati niyang irog? Para kay Eduardo ay naliligayahan man siya nang mga sandaling yaon ay isang kaligayahang pangkaraniwan lamang at di paris sana kung kasayaw ang dating kasuyuan, si Leoning, nalubos sana ang kagalakan ng kanyang puso.
Alam niyang ang dalaga ay sadyang sanay at mabuti na lamang at sila ay kapuwa bihasa. Ang pagindak nila ay ayos na ayos at talagang mahusay. Kaya ang gayong pangungusap ni Fely ay wari ba yatang isang pagkutya lamang sa binata. Datapwa't hindi, ang dalaga ay ibig lamang may mapagusapan. Kapawa sila mabuti at nagkakaayos sa pagsayaw.