Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 8, 2025
Ang ginawang paghawak ni Tirso habang nasa kalesa sila sa kanyang dalawang maliliit na kamay na binibigyan pa n~g bahabahagyang pisil na isinasaliw sa kahi't anong sabihin; ang pagpaparinig sa kanya noon n~g m~ga halimbawang may dalawang kahulugan na kung minsa'y makakiliti at kung minsa'y makakalamkam; at ang malimit na paglalagay sa pinggan niya n~g sarisaring ulam nitong nagsasalo na sila; saka ang mahigpit na pagtanggi't pagkakaila ni Tirso nang banggitin niya't pakibalitaan si Teang; ang lahat n~g ito ay m~ga pangyayaring mahigpit sa kailan~gan upang siya, si Elsa, ay magkapaniwalang si Tirso ay dili ang hindi n~ga natatawag na sa di karaniwang alindog na tinataglay n~g kanyang pagkamestisa.
Para kay Eduardo ay naging ilaw naman niya sa paglakad ang gayong mga ginawi ng binibini. Anong laking kahihiyan kung ang lahat ng lihim na naging puno't simula ng kanyang paghawak ng rebolber upang ipamaril ay mamalayan ng mga magsisi pagusig? Diyata kaya't kanyang ipagtatapat ang lahat ng iyon?
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap