United States or São Tomé and Príncipe ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang ginawang paghawak ni Tirso habang nasa kalesa sila sa kanyang dalawang maliliit na kamay na binibigyan pa n~g bahabahagyang pisil na isinasaliw sa kahi't anong sabihin; ang pagpaparinig sa kanya noon n~g m~ga halimbawang may dalawang kahulugan na kung minsa'y makakiliti at kung minsa'y makakalamkam; at ang malimit na paglalagay sa pinggan niya n~g sarisaring ulam nitong nagsasalo na sila; saka ang mahigpit na pagtanggi't pagkakaila ni Tirso nang banggitin niya't pakibalitaan si Teang; ang lahat n~g ito ay m~ga pangyayaring mahigpit sa kailan~gan upang siya, si Elsa, ay magkapaniwalang si Tirso ay dili ang hindi n~ga natatawag na sa di karaniwang alindog na tinataglay n~g kanyang pagkamestisa.
Salita Ng Araw