United States or Slovenia ? Vote for the TOP Country of the Week !


May dinatnang landás siya mataas na pasalungá, tumahan capagcaraca itong príncipeng masiglá. Sa masamáng capalaran sa Dios na calooban, nang dumating sa ibabao cabayo niya'i, namatáy. Di anong magagaua pa uala nang masac-yán siya, ang bastimento'i, quinuha at lumacad capagdaca. Sa Dios na calooban na sa tanong bininyagan, dumating siyang mahusay sa Tabor na cabunducan.

Nang siya ay dumating na, sa daan na pasalunga, nagtuloy at umahon na itong príncipeng masiglá. Sa masamáng capalaran nang dumating sa ibabao, nabual nanga't, namatay ang cabayong sinasac-yán. Di anong magagaua pa sa cabayong namatay na, ang báon niya'i, quinuha at lumacad capagdaca. Nang siya'i, dumating naman sa Tabor na cabunducan, may cahoy siyang dinatnan diquít ay di ano lamang.

At nagtagong uli siya nang hindi bagá maquita, nang umahon ang princesa ang damit niya'i, uala na. Sabihin pa nga ang galit nitong princesang mariquít, nang di maquita ang damit ito ang ipinagsulit. Sino cayang lapastangan ang naparitong nagnacao, ó baca ang criado naman nang haring aquing magulang.

Cun sino man siya't, alin ay ang sucat pag-isipin, aco'i, pag-iiuang tambing manga capatid cong guilio. Nang maguing isang oras na sa damit niya'i, pagquita, siya namang paglitáo na nitong príncipeng masiglá. Lumuhód na sa harapán na haluquipquip ang camáy, cordero'i, siyang cabagay at nangusap nang malubay.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap