Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 6, 2025
Paano'y sa siyang pinaiiyahan n~g lalaki, ay parating nagkakaroon n~g salabid tuwing ipagbabalak n~g araw at pook ang ikabubunsod n~g gayong salitaan. Sa loob n~g panahong iyan na hindi rin idinarating n~g sulat ni Teang, kay Tirso naman ay lalong nagtitibay ang paniniwalang napalun~gi n~ga ang kanyang palad sa babaeng kung bakit ba't napaghabilinan niya n~g kanyang boong pagtitiwala.
Mangyayaring magkatotoo na si Teang ay isang hamak na manyikang tumatawa't pumipikit sa kamay n~g isang mapaglarong pari, gaya n~g balita ni Martinez; subali't hindi mangyayaring si Tirsong napalun~gi sa babaeng iya'y maluwag nang makahahanap n~g panibagong kapalaran sa sinapupunan n~g ibang langit.
¡Naku! ... ¡Nanglalata ako! ang daing ni Dioni, at napalun~gayn~gay na lamang sa balikat n~g hipag. Sa isang tin~ginang n~g makata't n~g mestisa, ay nagkaunawaan ang dalawang ito sa pagpapakahulugang hindi pagod o anoman ang ipinagkagayon ni Dioni, kundi ang pagsasapantahang "baka ang sisiw na kanyang alaga ay kung saan na tinan~gay n~g lawin" ... Kaya't nagkan~gitian tuloy n~g lihim.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap