United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Anopa't sa ganang aking pagkapisil, hindi na kailan~gan ni Rivera ang sumulat pa n~g lalong maraming katha upang maging karapatdapat siya sa luklukan n~g ating m~ga ipinagkakapuring man~ga mangdudula. Ang pagkamandudula n~g isang tao ay dapat kilalanin hindi sa karamihan n~g dulang sinulat, kundi sa uri at taglay na m~ga katan~gian n~g kanyang nakatha na.
Nasabi ko ang ganyang malayang kurokuro, dahil sa nasaksihan ko, oo, Kasamang Delio, nasaksihan n~g dalawa kung mata na ang m~ga kinatha n~g tatlo nating "hari n~g sariling dulaan" ay hindi na maihuhuli, maging sa layon, sa isipan, sa diwa at sa kabuuan man, n~g m~ga nakatha n~g m~ga nabanggit ko nang mandudulang taga ibang lupa.
Salita Ng Araw