United States or India ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kabibitaw pa lamang sa bibig ng mga salitang ito, ay siyang pagkarinig ng mga yabag ni Semel sa may hagdanan. Iniwan ni Matrena ang sursihin at napatungo sa silid. Nakita niyang nasok, ay dalawang lalaki, na walang sombrero at nakabota. Malayo pa'y nahalata na ni Matrena, na ang kanyang asawa ay naglasing. Siya ko na nga bang kutog ng loob, aniya.
Oo't naghanda ako; nguni't hindi sa iyo; ikaw ay naglasing hanggang sa mawalan ka ng isip ... Ikaw ay bibili ng isang bagong balabal at umuwi ka pa ng walang kapote. Sa ikalulugmok natin ay nagsama ka pa ng isang hampas-lupa. Ako'y walang maipahahapon sa mga lasing. Siyana, Matrena; walang kailangang magsalita upang wala nang pag-usapan.
Salita Ng Araw