Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 3, 2025
Tatlóng taón nang mahiguit yaring aquing pagtitiis, saca ang maipagsasapit macacasal sa di ibig. Diyata matuid naman at iyo nang calooban, na acó ay mapacasál cay don Pedrong tampalasan. Ito'i, uacás na at hangán nang pagtauag co don Juan, cun culanging capalaran aco'i, di mo na daratnan. Ito'i, lisanin cong agad ang sa princesang pagtauag, at ang aquing ipahayag ang príncipeng naglalacad.
Ang uica nitong monarca cay don Pedro'i, pacasál na, at hindi naman sa ibá at tunay ring anác quita. Sapagca't, uala cang daan cay don Jua'i, mapacasál, matigas ang carunungan ni doña Maríang mahal. Ang sagót ni Leonora ó daraquilang monarca, icao po ang bahala na gauin ang balang magandá. Nang maringig yaon bagá nang haring caniyang amá, sumanguning muli siya sa arzobispo ngang sadyá.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap