Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 24, 2025
Matapos ang salitá nang binata ay pinalakad na ang m~ga kausap; siya'y lumiko sa isang daán na patun~go sa bahay n~g kapitáng ikakasal, na, sapupo ang babaying walang malay-tao at nang nálalapit na sa tinurang bahay ay nag-utos sa m~ga taong nakita roon, na pawa niyang kampon.
Napaghahalatang gaya ni Tirso ay wala ring malay-tao. ¿Sino kaya ang babaeng ito? ang di sasalang naitanong n~g mestisa sa loob man lamang niyang sarili. ¿At napapano kaya? Nang m~ga sandaling iyo'y saka lamang may lumapit na isang pulis na tila sa malayo pa nanggaling. ¿Bakit at ano ang nangyari? ang tanong na tila ibig pang magmagaling.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap