Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 21, 2025


Subali't hindi maikakait na ang "Masonería" at ang kaniyang m~ga kampon ay siláng nagsabog sa m~ga kalahi n~g m~ga kurong dakila ukol sa ikatutubós; silá, ang m~ga masón, ang masasabing nagturo n~g pagbibigkis n~g kalooban sa m~ga pilipino, upang humarap at makipaglaban sa loob n~g kapayapaan sa m~ga makapangyarihang lumulupig sa Lahi; ang m~ga kasapi sa "Masonería," ay silang nagpakilala sa pamahalaan sa España n~g m~ga masasamang palakad na pinaiiral dito, na siyang ikinalulugmok n~g bayan sa karukhaan, kaapihan at kabusabusan.

Ang makata naman ay dili ang hindi nakapagbitiw n~g isang malalim na buntonghinin~ga. Pandakan na po, ang saad n~g matanda; at ang bahay na iyong natatanaw nating sagana sa ilaw, ay siya ninyong patutun~guhan. Marami pong salamat, ang nagkapanabay na sambot n~g magkasama. Mula sa malayo ay may makapangyarihang tinig na sumi~gaw: ¿Elsa? At ang tinig ay nakilala n~g mestisa: sa kanyang kapatid.

Kailangan ngang kung ano ang akda ng dakilang Makata ay siyang papanatilihing buhay magpakailan man, walang munti mang pagbabago, sa maging labis man o kulang, kahi't mali mang nakikita. Ni isang titik, ni isang kuwit maliban na nga lamang kung hindi maiwasan dahil sa makapangyarihang atas ng panibagong alituntunin sa pagsulat.

Salita Ng Araw

pagkapagin

Ang iba ay Naghahanap