United States or Trinidad and Tobago ? Vote for the TOP Country of the Week !
Naciente luz te corona . Espronceda. Ang lahat n~g buti'y natipon na yata Sa kabataan mong ilag sa paraya, Pati n~g pisn~gi mong pisn~gi niyong saga Ay nakahihibang at nakahahan~ga. Ang m~ga pisn~gi mo'y malambot, maamo, Mayumi, manipis at hindi palalo, Ang san~gahang ugat kahit humahalo, Ay napapabadha't... di makapagtago.
Ang Kápitan ay papanáog na sána at ang tangka'y umuwî noón din upang siya'y makapagtágò sa pinangingilágan. Dapwa't, ¡hulí na! Hindi pa man lang nakatátalikod ay hinaló na siya nang sunódsunód ng dati niyang kasákasama. Kun sa pagbatì sa Kápitan ang bibig ni Stag ay nakangitî ang kaluluwá naman niya'y nagngingitngit sa pagsigáw ng: "Háyop, di ka na muling makawawalâ sa akin!"