United States or Angola ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang sugat ay nadoroon sa paa, ay masama sa may catauan ang lumacad na parati, ang magpahan~gin ang yumapac sa basá, at ang mahan~ginan ang caniyang sugat. Ang isa pang magaling na totoo sa may sugat na lauon, ay lag-yan nang fuente sa paa, ó camay bago bahauin ang sugat.
Masama namang magpahan~gin ó lumabas sa bahay, cun hindi pa nacacalalo ang isang arao at ang isang gab-i, cun baga sampaloc ó cañafístula ang ipinurga sa caniya; n~guni cun ibang bagay ang ipinurga doo,i, houag siyang lumabas sa bahay han~gang di macaraan ang dalauang arao at ang dalauang gab-i.
Alinsunod dito sa man~ga sinabi co magpahan~gan n~gayo,i, marahil nasain mo, cristianong bumabasa, ang ilang malinao,t, tapat na hatol, na parang pinacareglang aalinsunurin; na cun sundin mo naman ay macapan~gin~gilag ca sampon nang iyong man~ga casambahay, man~ga caibigan nama,t, caquilala, sa man~ga daquilang pan~ganib na laguing nasusumpun~gan sa pagbasa nang man~ga masasamang libro.
Salita Ng Araw