United States or Mali ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sinagutan ni don Andrés ang lahat na mañga tinuran cong tanong nang mag-ina ni Pili; at polus na maigui, at polus na caaliu-aliu ang isinagot at ibinalita sa canilang tungcol cay Próspero, at ang uica pa ni Dales sa canila: Houag ninyong alalahanin si Proper, at mabuting-mabuti ang caniyang lagay.
Paquingan mo, hombre, ang tuloy na salita ni Julio; paquingan mo, hombre . Diyan sa mañga sulat nang nanay mo, at nang capatid mo, ay hinahañgo co,t, ga naquiquita co, na sila,i, ualang malisia at paniualaing totoo, caya ang hatol co sa iyo,i, ganito: Sumulat ca sa canila, at sabihin mo lamang, na ang ugali mo ñgayo,i, mabuti at mabuting-mabuti pa sa dati; at asahan mo, na sila,i, maniniuala sa iyong sabi, at matutoua pa sila nang di biro-biro.