United States or Norfolk Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Madali't, salita bagá ay hahaba ang historia, ang lingo'i, nang dumating na gumayác na ang princesa. At sa singsing nganing mahal na caniyang iniingatan, ay humingi capagcuan carrosa niyang sasac-yán. Humingi rin naman siya nang damit emperadora, sa arao na yaón bagá ay lumitao capagdaca. At tambing nangang nagbihis niyong damit emperatriz, lalong nagningning ang diquit serafin mandin sa langit.

Nang maguing tatló nang arao ang caniyang paghihintay, nang uala rin si don Juan balisa ang gunam-gunam. Ito'i, malilihim bagá sa dunong na iningat niya, ay natantó capagdaca nang mariquit na princesa. Na sa lingo'i, icacasal ang príncipeng si don Juan, aco'i, maquiquipagcangay sa arao nang cafiestahan.

Sa lingo'i, ualang pagliban ang sa inyo'i, pagcacasal, nguni ay mayroong lamán ang sabi mong binitiuan. Ang sagót ni Leonora mayroon nga po aniya, at cun aquing ipagbadyá malalagót ang hiningá. Cun aquin na pong macamtán yaong matrimoniong mahal, saca co po isasaysay ang lihim cong iningatan. Ito'i, lisanin co muna ang súgat nang púso niya, at ang aquing ipagbadyá itong si doña María.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap