United States or Botswana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi ko po kasama ... ang nagaalan~ganing sambot n~g mestisa. ¿Saan kayo naghiwalay? Sa ... ospital po. ¿Ha? Doon ko n~ga po siya iniwan, sapagka't.... ¿Sapagka't ano? Nagkaroon po n~g sugat.... ¡Elsa, alangalang sa Dios, ako'y linawin mo! Tia, si Tirso po ay nasa pagamutan n~ga, sapagka't sa di namin hinihintay na sakuna, ay nagtamo siya n~g ilang sugat at bugbog sa katawan....
N~guni't linawin mo, Elsa: ¿hindi n~ga ba iyan ang nakagustuhan ni Teang na sinasabi mo? Sa palad po n~g tao, tia, ay Tadhana lamang ang nakapangyayari. Niloloob po n~g Tadhanang iyan na siya ang aking maging kapalaran.... Si donya Basilia ay natilihan at hindi na nakahuma.