United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi naluata't sa corte nang Madrid ibinigay alam ang paghihimagsic nang taga Kabite ni Izquierdong tiquís general na hayag na sacdal nang lupít. Sa bunying Ministro n~g Guerra't Marina doon n~ga dumatal bigay alam niya caya capagdaca ay sinagót siya maghalál nang Fiscal taga usig baga.

Dito na n~ga sila gumaua nang pulong anila'y mabuti magcontribución nang ang ating nasang nilalayon-layon ay cusang matupad sa habang panahón. Sa pasiyang ito'y pauang nagsi-amin ni isa'y uala mang tumutol na tambing caya't nan~gag-gugol nang lubhang malihim sambuntong salapi cay Izquierdong saquím.

At caracaraca siya'y nagpa-atas cay Izquierdong hayág n~g isang calatas ang bagay na ito'y ipinatalastas upang sila doon abuluyang cagyat. Nang ito'y matanto nitong si Izquierdo sumubó ang galit na di mamagcano caya capagdaca ang tanang sundalo dito sa Maynila ay pinasaclolo.

Sucat na natira dito ay iisa caya't si Buttler nagpumilit baga ang lupa nang Tan~guay iuan muna niya nang huag nang datnin caguluhang sadya. Capagdaca naman caniyang cahilin~gan ay agad inamin biglang pinayagan nang caniyang general Izquierdong maran~gal nang umagang yaon na hindi lumiban.

Caya ang nangyari lumagdá pagcuan nang isang "escrito't" inihaying tunay sa Ministrong hayág nang bunying Ultramar sa reinong España na cabalitaan. N~guni't bago ito ipinadalang lubós cay Izquierdong hirang general na bantóg ay nuhang sanguni't bilang pahintulot nang huag masinsay sa catouirang puspos.