Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 14, 2026
Samakatwíd ay oo't nagsisi n~gá si Tuníng kayá't humin~gí pa n~g tawad sa pinagtaksilán niyáng binata, subali't dí dahil dito'y hindí siyá matatawag na babaing salawahan at tampalasan lalo pa't isasagunita ang pagkákatapon sa tunay na dugó n~g kanyáng pusó. Kung ang gayóng ginawá n~g babaing ito'y oo't napatatawád n~g Diyós, sa m~ga tagá-lupa'y waláng makapagpapatawad marahil.
Kaya, kung isasagunita ang pangyayaring ikinatuwa niya n~g gayon na lamang ang balitang galing sa "malaking kababalaghang ipinaghimala n~g martir na si pari Casio sa bahay ni donya Basilia", ay kaagad matatanggap na isa m~ga talagang dapat niyang gawin ang kanyang ginawang pagaanyaya kay Tirso na siyang makaabay niya sa pagdalo sa Pandakan upang makipaglamay sa isang malaking piging at isang magdamagang sayawang ipasasalubong sa manigong pasok n~g pumipintong Bagong Taon.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap