United States or Denmark ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ito ang hindi pa niya maalaman; datapoua,t, sa pagca,t, narin~gig niya na may tumatahang tauong bundoc sa man~ga pulò nang bahaguing yaon nang mundo, ay totoong natatacot siya na baca mayroon naman sa tinatahanan niya; at ito,y, totoong nacapan~gin~gilabot sa caniya, na iquinapan~gin~ginig nang boong catauan. Si Teodora.
Tila dumarating na ang caquilaquilabot na sandali; nagdamdam siya nang isang caquilaquilabot na saquít na biglang nacainis sa caniyang pusò, nagsiquip ang caniyang paghin~ga na iquinapan~ginig niya, nalun~gayn~gay na marahan ang ulo ni Robinson, naualan nang caramdaman, at nanlalamig ang boong catauan.
Sa pan~gin~gilabot ay hindi siya macagalao: ang camunting in~gay ay quinatatacutan niya, at iquinapan~gan~galisag nang caniyang buhoc; datapoua,t, sa malaquing cauhauan ay napilitan siyang gumalao, at nang totoong hindi na niya matiis ay siya,y, lumacad na nagpalibotlibot sa paghanap nang isang batis, hangan sa siya,y, nagcapalad na nacaquita nang isang bucal nang tubig na totoong masarap at malinao, na iquinapauî nang caniyang cauhauan.