Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 7, 2025
Huwag mong ikahapis ang pagkabilanggo ko, ni ang katagalan n~g araw na ipaglulumagak ko sa bilangguan ... ang wika ni Mauro sa kanyang asawa sa buháy na tinig alalahanin mo, asawa ko, na isang dakilang simulain ang ipinagtatanggol natin, at ang simulaing itó, sa malao't madali ay inaasahan kong magwawagi sa ibabaw n~g lahat.
Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay n~g iba'y ang buhay na kipkip, walang agam-agam, maluag sa dibdib, matamis sa puso at di ikahapis. Saan man mautas ay di kailan~gan, cípres ó laurel, lirio ma'y patun~gan pakikipaghamok, at ang bibitayan, yaon ay gayon din kung hiling n~g Bayan.
Nang matunghayan ko ang padalang liham, luha ko'y tumulo sa kapighatian, paano'y gumuhit sa aking isipan na: ang tagumpáy ko'y iyong kamatayan . Di ko akalaing iyong ikahapis ang pagtatagumpay n~g ating pag-ibig, ang m~ga luha mo'y ulan n~g pasakit, ang kalumbayan mo'y pagdilim n~g lan~git.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap