United States or Turkmenistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dito,y, humintò siya hangang siya,y, nacaquita na may lumalabas na man~ga pagóng: nang maquita niyang malayò sa dagat ay hinandulong niya ang isa, at caniyang ibinaligtad; gayon din ang guinaua niya sa iba na caniyang nahuli, at nang houag macatacbo; at sacá quinuha niya ang isang sundang na caniyang daladala sa bayauang, na siyang dahil na iquinaligtas niya sa camatayan, hiniua niya ang isa sa naturang pagóng, at ininom niya ang dugô. sa pagca,t, ualang totoong maquitang tubig: ganito rin naman ang guinaua niya sa ibang man~ga pagóng; ang lamán ay ibinilad niya sa arao, at caniyang cacanin, na guinaua niyang pindang ó tapa, at nang mangyaring ang balat ay magaua niyang sahuran nang tubig cung umuulán, sa pagca,t, doon ay totoong maulán.
Saca ang guinaua ay ibinaligtad, tinampal sa muc-ha,t, binayo nang sicad, ang boong cataua,i, binugbog nang hampas; nang di mamihasa sa gauang magsucab. Cung pag-iisip ang tanang guinaua nitong si Valerio sa ulila,t, duc-ha, di man camag-anac tutulo ang luha at acayin din nang gauing maaua.
Salita Ng Araw