United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindî ipinagbilí ang cahi't isang libong Filibusterismo sa Madrid, ni sa alín mang ciudad n~g Europa; ipinadalá niyáng lahát sa Hong-kong upang ipasoc n~g lihim sa Filipinas; n~guni't nátictican n~g m~ga cainalám n~g m~ga fraile, caya't n~g dalhín dito sa Mayníla'y nahuling lahát.

Hindî siya nacalunsád agád, dahil sa pinapag "cuarentena" ang vapor, bagá man tumelégrama ang Cónsul americano sa Hong-kong, na n~g umalís ang vapor na iyo'y waláng cólera roon, at gayon ang guinawâ dahil lamang sa may casacáy na walong daang insìc, at sapagca't nagcátaong n~g m~ga araw na iyo'y casalucuyang halhalan, n~g mawicâ n~g m~ga táongbayang ang Gobierno'y tumitin~gin sa canilá at naghihigpít sa m~ga insíc, cayâ guinawâ ang gayong pagbimbín.

Ang caunaunaha,i, baual ang lahat na man~ga libro sa Santong Casulatan na inihulog nang man~ga ereje sa uicang castila, cun sa uicang tagalog, cun sa alin mang uica; cun sacali,t, cristiano man ang maghulog ay cun ualang pahintulot ang man~ga Puno . Caya n~ga ang lahat na man~ga libritong han~go sa santong Sulat sa bagong Testamento, na ipinagcacalat na limbag sa Oxfort at sa Hong-kong sa uicang castila at cung magcabihira,i, sa tagalog, ay pauang =baual=; sampon niyang man~ga Evangeliong uicang castila cun tagalog caya, na iniin~gatan nang marami, cun isinasabit sa liig na parang anting-anting, ay =baual= din naman.