United States or Tokelau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako'y sumaiyo n~g buong buo, sa iyong pagkukuro, na, upang makilala ang "habilidad" n~g isang "autor" ay sa pagtatanghal n~g isang dulang "iilan" ang m~ga taong gumagalaw, buháy ang m~ga tagpuan at busog sa kasariwaan n~g isang diwang ibinubuhay o nilalayon. Sa tatlong katha n~g m~ga beteranong mandudulang nabanggit ko na sa iyo, na kapwa ko napanood, ay masasabi ko sa iyong isang katan~gitan~gi.
Tan~gi sa riya'y nagtuturo din naman sa isang magulang na ayaw pabayaan ang hilig n~g isang anak lalo pa't sa gawang pagaasawa. Dahil sa m~ga naipahayag kong iyan, ay inaasahan kong sa pagpapalimbag ni Pepe n~g lalong mapatutunayan n~g madla kung tama o kung hindi ang aking m~ga daglian pagkukuro hinggil sa kakayahan at sa "habilidad" ni Pepe Maria Rivera sa gawang pagsulat. Samantala'y magutos.