United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Naalaman na nang mañga bumabasa nitong aquing casulatan, na si Próspero,i, ualang cacusa-cusa sa trabajo , naalaman din nila, na cung caya,i, gumagaua-gaua si Proper nang daco noong arao,i, alang-alang lamang sa catacutan niya sa caniyang namatay na ama; at natatanto naman nila, na si Proper ay ualang caisipisip at ualang catiñgintiñgin sa caniyang pamamahay.
Nang magdaan ang aming Cura sa calzada ni cabezang Andrés, ay nagcatong gumagaua-gaua ang mag-asaua ni cabezang Angi sa silong nang canilang bahay, at pagcatanao nila sa Cura, ay lumabas ang mag-asaua sa calzada , sinalubong ang Cura, hinalican nang camay, at pinaraan pa siya sa canilang bahay.