Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 9, 2025
Datapoua cailan~gan ang husay na pagcain pati nang pag-inom, at bucod dito,i, paiinumin nang bilin sa número 24, at maminsan minsang pupurgahin nang bilin sa número 23. Masama roon ang man~ga masaclap, at ang guinagamot nang gayon, ay sinisibulan cun minsan nang cancro sa bahay tauo.
Bucod dito touing guinagamot, ay cailan~gang linisin ang sugat at hugasang maigui nang tubig na malacuco na pinaglagaan nang caunting romero, ó nang dahon nang macabuhay ó lin~gangsina ó hagunoy; ito,i, gagauin bago tapalan.
Datapoua cun yayat ang maysaquit, ay houag cunan nang dugo. Saca isusunod doon ang pagcuscos nang man~ga tabi nang sugat, at ang ibang man~ga biling co sa itaas sa párrafong sinundan nito, hangang sa icalabing dalaua ó icalabing limang arao. Ang maysaquit na guinagamot nang mercurio, ay hindi sucat yumapac sa basá; at totoong sama yaon.
N~guni itong man~ga ganitong tapal ay hindi dapat ilagay, cundi maualauala muna ang pamamaga nang sibol, at cun talagang magnanana na. Cun inaacalang may nana na ang sibol, ay hiuain pagcaraca, at houag palauonin doon ang nana; saca guinagamot ang daliri nang ungüentong bilin sa número 66.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap