United States or Bangladesh ? Vote for the TOP Country of the Week !


Para din n~g dati ang tindig mo't bikas, katutubong ganda'y lalo pang tumingkad; pagmasdan mo iyang halamang nilikha n~g Hari n~g lahat, pawang yumuyuko sa taglay mong dilag. Sa mabining agos ikaw ay makinig may ibinubulong na masayang awit, saksi n~g paghan~ga sa iyong himalang inimbot na dikit na waring pinilas sa ganda n~g lan~git.

Sultana n~g Pasig, mahinhing Makiling, sa ganda'y reyna nang dapat pan~garapin, isang Sinukuang anang salaysayi'y babaing bumihag sa libong damdamin, usok n~g kamanyang na di magmamaliw, Lan~git na masaya at Buwang butihin, Olimpong mayaman sa m~ga awitin, buhay na badhaan n~g isang paggiliw.

Ang kaharian mo'y iyang kagandahan, Ang m~ga buhok mo't matang mapupun~gay, Ang paa't pisn~gi mo ay siya mong yaman. Sa dalang ugali, ikaw'y isang birhen, Kamia ka sa ban~go't sa pagkabutihin, Sa hinhi'y sampaga't sa ganda'y... tulain. =Ang mga buhok mo=... Tu pelo es una nube del Oriente . Salvador Rueda.

Aywan kung mayron pang hihigit sa kinis Sa m~ga kamay mong biluga't nilalik, Garing na mistula sa puti at linis, Sa lambot ay bulak, sa ganda'y pagibig. Ang m~ga daliring yaman mo't biyaya Ay di hugis tikin, ni hubog kandila; Ang ayos at hugis ay bagay at tama Sa sutla mong palad na laman n~g diwa.

Tunay at ang mundó'y maginto't mamutya: may dunong, may pilak, may ganda, may tuwa, may puri, may lahi't may bahay... datapwa, ang lalong maran~gál sa ami'y: ang tula . Ako'y hindi siláw sa ningning n~g ginto; di takót sa dunong; di gulát sa tayo; sa mutya'y di kimi't sa ganda'y di dun~go, n~guni't sa dakilang tula'y: yukong-yuko.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap