United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Huminahon po cayó, may panahón pa, salamat sa aking pagdadalidaling guinawa; hanggáng sa á las ocho.... ¡Babarilín co siláng lahát! ¡Makiníg po cayó! Sasalacayin nilá't cucunin ang cuartel, pagca á las ocho, na hindi magpapamalay, lolooban ang convento, dáracpin nilá ang falúa at pápatayin tayong lahát na m~ga castila. Tulíg na tulíg ang alférez.

Nagpasimulâ n~g paguumaga n~g silá'y dumating sa dagatang noo'y maamo't payapang tulad sa isáng calakilakihang salamín. Cumuculimlím ang buwán at nagcuculay rosa ang Casilan~ganan. Naaninagnagan nilá sa malayò ang isáng bagay na culay nag-aaboabó, na untiunting lumalapit. Dito ang tun~go n~g falúa, ang ibinulóng ni Elías; humigâ po cayó at cayó'y tátacpan co nitóng m~ga bayóng.

Hinabol siyá n~g falúa at n~g bangcâ; isáng bahagyang guhit n~g bul

Humintô si Elías at nag-isíp-ísip. Malayò pa ang tabí at silá'y marárating n~g bala n~g m~ga fusíl n~g falúa. Inacalang magbalíc sa Pasig; lalong matúlin ang canyáng bangcâ cay sa falúa. N~guni ¡laking casamáng palad! nakita niyáng nanggagaling sa Pasig ang isáng bangcâ at námamasdang cumíkinang ang m~ga capacete at m~ga bayoneta n~g m~ga guardia civil. Húli na tayo, ang ibinulóng na namúmutlâ.

Lalong lumiliwanag at nakikita n~g magalíng ang anyô n~g sasakyán. Lumalagay silá sa pag-itan n~g pampáng at natin, ang ipinahiwatig ni Elías na nababalisa. At untiunting binago ang tun~go n~g canyáng bangcâ, na anó pa't sumasagwang patun~go sa Binan~gunan. Nahiwatigan niyá n~g malakíng pan~gin~gilabot na nagbabago namán n~g tumpá ang falúa, samantalang sinisigawan siya n~g isáng tinig.