Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 9, 2025
Capagdaca ay binusan nang bálsamo ni don Juan, siya nangang pagcamatáy nang serpienteng tampalasan. Ani don Juan at badyá ó mariquit na princesa, anong hinihintáy mo pa at hindi umalís quitá. Sa pagmamadaling tunay nang princesang matimtiman, ang lobo niyang aliuan ang na-isucbit na lamang. Diamanteng singsing niya ay naiuan sa lamesa, nagsi-alis nanga sila dalauang magcasi't, sintá.
Nang ito'i, dumating naman sa príncipeng cay don Juan, ang ulo'i, agad binusan tuloy hangang talampacan. Nang siya nga ay mabusan tubig na galing sa jordan, nagbango't, lumacás naman itong príncipeng marangal. Quinuha na niyang tambing diamanteng naiuang singsing, sa aua nang Ináng Vírgen lobo ang nagparaan din.
¡Oh diamanteng pusong ualang casing tigas at quinucusa na,i, ayao pang pumayag! n~guni,t, ¿ano caya,t, tila nabaligtad ang dating ugali nang sa mundong lacad? Ang bato balani ang siyang lumapit lumapit sa bacal na di co ma-isip, ¿ano caya itong hiuaga nang lan~git, hindi mapaghaca nang pantas na bait?
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap