United States or Azerbaijan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Laguim na totoó ang gobernadorcillo; ang canyáng sillón, yaóng dakilang sillóng nacalagáy sa ilalim n~g larawan n~g mahál na harì, waláng gumagamit, at wari'y natutungcol sa ibáng tao. Dumatíng ang curang namúmutla't cunót ang noó, n~g malapit n~g tumugtóg ang á las nueve. ¡Hindi pô namán nagpahintáy cayóng totoó! ang sinabi sa canyá n~g alférez.
Nahuhulog sa canyang malusóg na líig ang canyang m~ga buhóc na maiitim, mahahaba at hindî inaalagaan; napagwawarì sa m~ga cunót n~g canyang itimang barong damít na magaspang ang canyang macapangyarihang m~ga casucasuang sumapi sa canyang maugat at lilís na m~ga bísig upang magamit na parang isang balahìbong ibon lamang ang malapad at pagcálakilaking sagwang canyáng itinítimon upang mapatnugutan ang dalawáng bangcâ.
Nagcapalad n~ga si Sisa na hindi siya mawatasan. Umunat n~g caunti ang cunot n~g m~ga kilay n~g alfereza, isang n~giti n~g catuwaan ang siyang nagbigay saya sa caniyang mukha: hindi na n~ga mapag-aalinlan~ganang hindi siya marunong n~g wicang tagalog, "orofea" na siya.
Tila mandin canyáng namataan sa isáng marikit na "victoria" si párì Dámasong mabalasíc ang mukhá't cunót ang m~ga kílay; n~guni't siyá'y nacaraan na at n~gayo'y masayáng bumabati sa canyá, búhat sa canyáng carretela si Capitan Tinong na casacáy ang canyáng asawâ't dalawáng m~ga anác na babae.
Pagcakita sa caniláng m~ga mukháng ang cabatáa'y tumatawa at ang pag ása'y maníningning; sa panonood n~g linipadlipad n~g caniláng malalagò't maiitim na buhóc at malalapad na cunót n~g canilang m~ga damít, marahil ipalagáy nating silá'y m~ga diosa n~g gabí, cung dî sana talastás nating silá'y si María Clara na casama ang canyáng ápat na caibigan: ang masayáng si Sinang na canyáng pinsan, ang hindî makíbuing si Victoria, ang magandáng si Iday at ang mahinhing si Neneng na matimtiman at kimî ang cagandahan.