United States or Bangladesh ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi cumilos si Sisa. ¡Sayaw, sayaw! ang inulit-ulit n~g tinig na nacalalaguim. Tiningnan siya n~g ulol na babae n~g titig na walang diwa, walang cahulugan; itinaas n~g alfereza ang caniyang isang bisig, at ang isa namang bisig pagcatapos, at saca ipinagpag ang dalawang bisig: walâ ring naguing cabuluhan. Hindi nacacawatas si Sisa.
Nagcapalad n~ga si Sisa na hindi siya mawatasan. Umunat n~g caunti ang cunot n~g m~ga kilay n~g alfereza, isang n~giti n~g catuwaan ang siyang nagbigay saya sa caniyang mukha: hindi na n~ga mapag-aalinlan~ganang hindi siya marunong n~g wicang tagalog, "orofea" na siya.
Umubó ang alfereza, humudyát sa m~ga sundalong man~gagsiya-o, kinuha ang látigo n~g canyang asawa sa pagca sabit, at nagsalita n~g maban~gis na tinig sa babaeng sira ang isip: "¡Vamos, magcantar icaw!"
¡Huwag, huwag ca n~g cumanta! ang sigaw n~g alfereza, sa ganap na wicang tagalog, at tumindig na malaki ang balisa; ¡huwag ca n~g cumanta! ¡nacalalaguim sa akin ang m~ga tulang iyan! Tumiguil ang ul-ol na babae n~g pagcacanta: nagbitiw ang asistente n~g isang: ¡Aba! ¡sabe pala tagalog!
Salita Ng Araw