United States or Armenia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang man~ga mata co,i, para nang alipin na bibitin bitin sa pan~ginoon hihintay-hintay at di inaalis hangang sa di caauaan. Ang Dios na dinadain~gan co, sa toui-touing daratnán aco nang sáquit, si Guinoong Santa Maria na tinatauag cong Ina, ay naaua,t, nahabag sa aquing man~ga panalan~gin, hindi nalao,i, hinan~go aco sa hirap.
URBANA: sa sulat na sinundán nito ay aquing sinaysay sa iyo na maquita co si Amadeo, sulat co,i, napatid, at dinguin ang cadahilanan: ang dibdib co,i, nagtatahip; ang puso,i, nabibigatán nang isang caramdamang di nararanasan magpacailan man; ang camay co,i, nan~gin~ginig, ang pluma,i, nalalaglág sa daliri; sa matá co,i, nan~gin~gilid at bibitin bitin ang camunting luha, at sa catapusang matitic sa sulat ang n~galang Amadeo , pluma,i, nabitiua,t, pumatac ang tubig na bumasa sa sulat.
Salita Ng Araw