Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 27, 2026
Ang puring inin~gat nang aquing pusong daong na marupóc, cun pagtulong-tulon~gang hampasin nang marahás na han~gin nang hibo,t, paraya, cahit anong bait, cahit anong hinhin, cahit anong ilag ang aquing gamitin, at ipagsangaláng cun mapag-isa na,t abotin nang hina, at aco,i, hapoin sa catiyagaan ¿masasabi co cayang dili mababagbág sa laot? ¿Di caya isang capan~gahasan, cun aquing uicain na ang capurihan co at calinisan, ay ma iin~gatan co rin sa calaguitnaan nang suson-susóng pan~ganib? isang capan~gahasan at isang caulolan.
Itong santong auit nang may dusang Profeta ay parang narinig co, napatindig uli sa quinaloloclocan, biglang naniclohód sa ating Pan~ginoong napapaco sa cruz, nanalan~gin aco sa caniyang harapan, at ang caralitaang damdam nang puso co ay aquing sinaysay: isilay mo, Dios co, ang caliuanagan sa napagdidimlang cong isip, nang di ang caloloua co,i, abotin nang camatayan, houag mong itulot na macapagtagumpay sa aquin ang malupit na caauay nang di pagauitan aco, aglahiin at uicain: siya,i, nagahis co rin.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap