United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~gayo,i, ang sagot co sa iyo,i, magpasalamat ca sa Dios, at ang tularan mo,i, yaong mapalad na haring nagsaysay: magpupuri aco sa Dios, sa toui-toui na: at ang pagpupuri ay di co huhumpayan. Nagsacdál aco sa Pan~ginoon co,i, quinalugdang dinguin ang aquing dalan~gin: at sa caralitaang dumating sa aquin, ay iniadya aco.
Itong santong auit nang may dusang Profeta ay parang narinig co, napatindig uli sa quinaloloclocan, biglang naniclohód sa ating Pan~ginoong napapaco sa cruz, nanalan~gin aco sa caniyang harapan, at ang caralitaang damdam nang puso co ay aquing sinaysay: isilay mo, Dios co, ang caliuanagan sa napagdidimlang cong isip, nang di ang caloloua co,i, abotin nang camatayan, houag mong itulot na macapagtagumpay sa aquin ang malupit na caauay nang di pagauitan aco, aglahiin at uicain: siya,i, nagahis co rin.
Salita Ng Araw