United States or Algeria ? Vote for the TOP Country of the Week !


Itong sin~gao sa bibig cun minsan di man gamutin, ay nauauala; datapoua cun minsan ay nalalagnat, napupuyat at nananab-ang nang pagcain ang nagcacasaquit nang gayon. Ang man~ga sangol ay sungmisigao, at aayo sumuso dahil sila,i, nasasactan nang gatas cun dungmaraan sa bibig.

Yao,i, dungmaraan cun minsan sa lungmilibang ilang arao nang pananabi; datapoua cun minsan ay biglang sumungpong sa tauo yaong saquit, at pagcaraca ang tiyan, ó ang man~ga dacong tabi nang pusod ay yaon ang caunaunahang sungmasaquit na totoo.

Ang saquit na balingtamad na sinaysay co sa itaas, ay marahil dumaan sa man~ga tauong matataba,t, malalacas; datapoua itong isang saquit ay dungmaraan sa man~ga mahihinang tauo at sa man~ga babaying masasactin.

Ang paraan nang pag-gaua nang suero nang gatas ay gayon: Ang dalauang tagayang gatas nang vaca, ó cambing ó tupa, ilagay sa palioc sa mahinang apoy at huhulugan n~g isa ó dalaua, ó tatlong cucharang sucang matapang, ó gata nang dayap cun ualang suca; pagca hungmiualay na ang lalong mabigat, at napailalim, sasalain ang lahat sa sinamay at yaong tubig na malinao linao, dungmaraan sa sinamay yaon ang pinan~gan~ganlang suero.

N~guni sila,i, cun lumaqui ó tumanda, cun minsa,i, gagaling; datapoua pag lumalo sa dalauang pouong taon ang edad nang maysaquit, ay maliuag gumaling. Itong saquit na ito,i, isa pang bagay na convulsión. Cun itong saquit malimit dumaan sa may catauan, at saca hindi malauon cundi madali, ay lalo pang maliuag gamutin; at cun dungmaraan cun natutulog ang maysaquit, ay masama pa mandin.

Cun baga siya,i, dungmoroual ó sungmusuca pagca cain ay yaon ang señal na caalam-alam matutuyo ang catauan. Ang hungmahalili rito ay ang paglura nang berdeng maputi na may casamang dugo. Ang cataua,i, ungmoonti dahil sa lagnat na ética at dahil sa pauis na malaqui, na dungmaraan sa caniya touing umaga at touing gabi.

Ang calauonan nang culebra ay ualo, sangpuo, ó labingdalauang arao; at cun nauauala na ay pinapauisan nang malaqui ang maysaquit; itong pagpauis ay hindi dungmaraan cundi sa catapusan nang saquit. Ang culebra ay marahil magbago nang lugar. Cun sa utac nang ulo ó sa dibdib mapatun~go ay namamatay agad ang maysaquit; at cun sa liig maparoon, ay garrotillo ang icamamatay niya.

Cun ang dugong nangagaling sa puso ay dungmaraan sa pina~gan~ganlang arterias, ay nararamdaman doon ang pagtiboc nang pulso Datapoua cun ang dugo ay ungmooui ó nagsasaoli sa puso, ay hindi dungmaraan sa arterias, cundi sa venas ó sa ugat na nadoroon sa dacong ibabao nang laman nang catauan.