United States or Guernsey ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun namamaga yaong lahat na yaon, sampon nang cutil pati nang puno nang dila, at ang ibang man~ga casangcapang naroon sa piling noon, ang may catauan ay totoong cahabaghabag; namamaga ang boong muc-ha; hindi siya macalunoc; ang paghin~ga ay maliuag; lungmalabas ang dila, ang pulso ay maralas at mahinang-mahina, at cun minsan lungmilibang; at ang maysaquit ungmaabot lamang hangan sa icatlong arao, at namamatay.
Yao,i, dungmaraan cun minsan sa lungmilibang ilang arao nang pananabi; datapoua cun minsan ay biglang sumungpong sa tauo yaong saquit, at pagcaraca ang tiyan, ó ang man~ga dacong tabi nang pusod ay yaon ang caunaunahang sungmasaquit na totoo.