United States or South Africa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang cutil at ang dalauang tila bucol na capiling noon, yaon lamang ang masaquit, at namamaga, ay cailan~gan ding sangrahan ang maysaquit, lalo pa cun ang pulso ay matigas at puno; ito,i, gagauin agad, maca cun pabayaan yaong pamamagang yao,i, mapatun~go ang saquit sa baga: at cun minsa,i, uuling sasangrahan cun cailan~gan pa.
Cun namamaga yaong lahat na yaon, sampon nang cutil pati nang puno nang dila, at ang ibang man~ga casangcapang naroon sa piling noon, ang may catauan ay totoong cahabaghabag; namamaga ang boong muc-ha; hindi siya macalunoc; ang paghin~ga ay maliuag; lungmalabas ang dila, ang pulso ay maralas at mahinang-mahina, at cun minsan lungmilibang; at ang maysaquit ungmaabot lamang hangan sa icatlong arao, at namamatay.
Ang gagauin doo,i, itutuloy ang pagmumumog, at ang pagsipsip nang sin~gao nang mainit na tubig número 53; saca cun mayroong marunong na médico ipahiua sa caniya yaong dalauang bucol ó agallas na masaquit, na naroon sa piling nang cutil, at gagaling ang may catauan pagca linabasan nang caunting dugo yaong man~ga bucol na yaon.