United States or Macao ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang gagauin sa may sugat sa suloc nang mata ay ang man~ga turo sa capítulo 49. Ang sugat nang mata ay maiguing lahiran nang tubig na pinagtunauan nang laman nang bun~ga nang aroma na linahucan nang caunting asin. Mabuti rin doon ang sucang pinagbabaran nang caputol na tanso, para nang man~ga cuartang malinis.

Paiinumin nang limonada, ó cun ualang dayap, ang tubig na may sucang caunti ay maigui rin; ang suerong malinao nang gatas, na sinasamahan nang caunting suca ay lalo pang mabuti; itong lahat na painom ay malamig cun inumin. Ang noo, ang quibotquibotan, ó ang boong ulo,i, lalag-yan nang basahang babad sa tubig na malamig.

Bucod dito,i, lalag-yan siya sa tiyan at sa bay-auang, pati sa m~ga hita nang man~ga basahang babad sa tubig at sa sucang matapang na magcasingdami, na yaon ay papalitang parati pagca tuyo tuyo na, at inaalis tuloy pag ungmuunti na ang paglabas nang dugo. Ang pamamaga nang bahay tauo sa loob nang catauan nang babayi caya na-aalaman, sapagca masaquit ang tiyan, at tila nauunat.

Mayroong tauong nilalabasan nang man~ga mancha sa muc-ha, di man siya nagcacasaquit, at nang mauala yao,i, basain ang muc-ha na maquiilan maghapon nang sucang matapang, na pinaglagaan nang ugat nang calabasang puti. Ito,i, turo ni Clain. Datapoua,t, ang dahilan nang man~ga mancha sa muc-ha ó sa catauan ay saquit na namamahay sa loob. Ang gagauin sa sinisibulan nang anomang bagay na sibol.

Ang paraan nang pag-gaua nang suero nang gatas ay gayon: Ang dalauang tagayang gatas nang vaca, ó cambing ó tupa, ilagay sa palioc sa mahinang apoy at huhulugan n~g isa ó dalaua, ó tatlong cucharang sucang matapang, ó gata nang dayap cun ualang suca; pagca hungmiualay na ang lalong mabigat, at napailalim, sasalain ang lahat sa sinamay at yaong tubig na malinao linao, dungmaraan sa sinamay yaon ang pinan~gan~ganlang suero.

Ang gamot sa sinusubaan dahilan doon, ay ang suca, na ang calahating bahagui ay tubig na malacuco, na ipa-aamoy sa maysaquit; ang noo, ang quibotquibotan, at ang galang-galan~gan nang camay niya, ay babasain noon ding sucang tinubigan; at painumin siya naman nang dalaua, ó tatlong lag-oc nang suca rin, na ang tubig ay marami sa calahati.