United States or United States Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Magaling sa saquit na ito ang pagpambo sa mainit na tubig na bungmubucal sa lupa para nang sa bayang pinan~gan~ganlang Los Baños; datapoua pupurgahin muna ang maysaquit, bago pumambo siya doon. Ang pagpambo sa malamig na tubig pag magaling na ang maysaquit ay sucat gauin nang malimit, nang houag umuli ang saquit na balingtamad.

Cun gab-i ang saquit ay malaqui; datapoua malaqui man, hindi sucat big-yan nang anomang bagay na patulog ang maysaquit, at masama bagcus sa caniya. Ang saquit na balingtamad nauauala sa pag-iilaguin ó sa pag-ihi nang ihing malabo,t, malapot na may latac na tila madilao, ó sa pagpauis.

Cun minsan naman cun mauala na ang saquit na balingtamad, ay nagcacalintog ang man~ga paa na cun malauo,i, naguiguing sugat; itong sugat hindi sucat gamutin agad, at uuli ang saquit; ang pagpurgang maminsan-minsan, at ang pagiin~gat sa pagcain marami, ay nacauauala roon sa man~ga sugat na yaon.

Ang pag-gamot dito sa ganitong saquit na balingtamad, ay iba-iba nang caunti sa pag gamot doon sa isang bagay na saquit na sinaysay co sa itaas. Cun malacas ang maysaquit, at malaqui naman ang saquit niya, ay sasangrahan, at paiinomin siyang parati nang bilin sa número 26, at ito,i, gagauing limang arao. Pag pinainom na nitong gamot, ay pupurgahin nang bilin sa número 21.

Pinan~gan~ganlang balingtamad na lauon ang ungmuuli sa tauo at nauauala, at saca ungmuuli rin, na parati ganoong nauauala,t, sungmisipot; ualang casamang lagnat, hindi maraming casucasuan ang sungmasaquit; cun minsan hindi namumula; at hindi namamaga ang masaquit na catauan; datapoua cun minsan namamaga,t, namumula.

Ang saquit na balingtamad na sinaysay co sa itaas, ay marahil dumaan sa man~ga tauong matataba,t, malalacas; datapoua itong isang saquit ay dungmaraan sa man~ga mahihinang tauo at sa man~ga babaying masasactin.

Ang saquit na balingtamad hindi lungmalalo sa labing apat na arao; datapoua mauala man ang saquit, cun minsan namamaga pa, ó nan~gin~gimay ang casucasuan.

Ang Reuma, na ang pan~galan nang tagalog doo,i, balingtamad, na ang masaquit ay ang man~ga casucasuan nang man~ga catauan nang tauo. Ang saquit na balingtamad, ó reuma, ay may lagnat na casama; cun minsan ualang lagnat.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap