Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 12, 2026
Anang doña Leonora mahal na vuestra alteza, sandaling paquingán niya ang aquing munting querella. Ngayon co na po tuturan ang lihim cong iningatan, at nang iyong maalaman yaong hirap ni don Juan. Aco ay doon quinuha sa bundóc niyong Armenia, cami ay magcacasama capatid cong doña Juana. Tiuasáy ang aquing lagay sa lupang cailaliman ang príncipeng si don Juan ang siyang cumuha lamang.
Caya lacad na don Juan at bucas ca na pariyan iyong mamansohin lamang cabayo cong minamahal. Umoui nanga sa bahay ang príncipeng si don Juan, pinag-isip niyang tunay cabayong patuturuan. Ay ano'i, nang magabi na higuit sa Ave María, ay dumating capagdaca itong butihing princesa. Itinanong cay don Juan na cun anong cautusán, ganito'i, iyong paquingán nitong sa aquing tuturan.
Nang quinabucasa,i, nan~gag datin~gan na sa real palacio ay nagcaipon na, iba,t, ibang reino,i, pauang naroon na pagsunód sa hin~gi nang haring monarca. Nan~gusap ang hari sa haráp nang tanan unauain ninyo at aquing tuturan, anác cong princesa,i, may anác na cambal na daluang lalaquing pinacamamahal.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap