United States or Oman ? Vote for the TOP Country of the Week !
Námasdan ni Sisa ang noóng napapaliguan n~g dugô; yumucód sa canyá, ang m~ga matá n~g babae'y tila mandín tatacas sa kinálalagyan, pinagmasdan siyá sa mukhâ at ang m~ga namúmutlang pagmumukháng iyó'y siyáng pumagpág n~g bait na gumugupiling sa canyáng m~ga utac n~g ulo, may sumipót na tulad sa isáng kisláp sa canyáng pag-iisip, nakilala ang canyáng anác at, nagpacabigáybigáy n~g isáng sigáw, at pagcatapos ay nahandusay sa hinimatáy na bat
Cung nan~gan~gaco cayóng hindi tatacas, hindi po namin cayó gagapusin; ipinagcacaloob po sa inyó n~g alférez ang biyayang itó; n~guni't cung cayó'y tumacas.... Sumama si Ibarra, at iniwan ang canyáng m~ga alilang nan~galálaguim. Samatala'y ¿anó na ang nangyari cay Elías?
Hindi mangyayaring mapahinto ang caniláng gagawin, ang ipinagpatuloy. ni Elías, wala n~g magagawa n~g acó'y dumatíng, hindi co kilalá ang canilang m~ga pinuno ... ¡lumigtás po cayó, guinoo, magpacabuhay cayó, sa icagagaling n~g inyóng bayan! ¿Saán acó tatacas? ¡Hiníhintay aco n~gayóng gabi! ang bigláng sinabi ni Ibarra na si María Clara ang iniisip.