United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang tikóm na labi n~g m~ga sampaga'y namukád na bigla't naglabing ligaya, ang dilim at ulap n~g aking pagasa'y naging bagong araw na di magbabawa, ang kukó n~g hirap at, ban~gis n~g dusa'y naging m~ga hamog sa dapit umaga, ang guhit at ulos n~g m~ga parusa'y naging m~ga n~giti n~g bagong Ofelia.

¿Maaari kayang ang isang granada'y maihulog sa di gusto n~g princesa? ¿maaari kayang ang isang sampaga'y makuha at sukat n~g taong bala na? Kay laki n~g agwat n~g palad ta't uri, ikaw'y isang lan~git na kahilihili at ako ay isang hamak na pusali, ikaw ay sariwa at ako'y unsyami. Ang panghihinayang ang siyang nagtulak na kita'y mahalin n~g buo kong palad.

Ang mata ni ina'y bukalan n~g luha Kung may dala-dalang damdamin at awa, Ang lahi ni ina'y sampagang sariwa Na may laging laang halik at kalin~ga. Sa halik ni Ina ay doon nalagas Ang tinik at bulo n~g musmos kong palad, Sa halik ni ina'y aking napagmalas Na ako'y tao na't dapat makilamas. Ang bibig ni inang bibig n~g sampaga'y Bibig na sinipi kina Clara't Sisa Kaya't mayrong bisang kahalihalina.

Ako ang pulubing sa tinawag-tawag ay lalong inapi... binigyang bagabag...! Di ko akalaing ang lan~git n~g puso ay man~gun~gulimlim... biglang maglalaho, di ko akalaing sa likod n~g samyo n~g m~ga sampaga'y may lihim na suro...! Animo'y nagtikom sa gayong sandali ang pintong maramot n~g awa't lwalhati, sa aki'y para nang ang kahilihiling sinag n~g ligaya'y lumubog, napawi...!

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap