Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 28, 2025
Caya n~ga't maraming tauong nagsidaló taga ibang pooc na di mamagcano sa canilang toua sa pistang ganito na sa cailan man di naquiquita ito. Baquit nasabay pa ang pistá n~g Calmén na pinagsasayá na ualang cahambing, fraileng recoleto pauang nahihimpil sa San Sebastian n~ga pooc na maalio.
Dito na isinumpá nag-isip nang cagyat na paghigantihán, caya silang lahat cusang nagpupulong halos oras-oras cung anong magaling nang ito'y maampat. Lalong-lalo na n~ga fraileng recoleto at ang dominico siyang gulóng-guló dito sa nangyaring hindi mamagcano caya silang tunay ang mausig dito.
Sacá ang casunod yaong isang lupong sari-saring órden nang fraileng pulutóng dalauang Jesuita na capulong-pulong ni Padre Zamora na nagcura Rector. Isang Agustino at Recoleto naman ang siyang casunód cusang umaacbay sa cay Padre Gómez na nagcura naman at Examinador Vicario sa Tan~guay.
Ang timtimang ito na naguing asaua ay isang babaye lubós caquilala nang fraileng si Gómez Recoleto baga na Prior sa Tan~guay sa simbahan nila. Ito't hindi iba siyang humicayat na masamáng fraile sa magcasing liyag na paghimagsiquin jornalerong lahat doon sa Arsenal cusang napahamac.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap